17 yrs of age

Elementary: Blessed Christian School
High School: Santa Rosa Science And Technology HS
College: Philippine State College of Aeronautics VAB campus

PhilSCA FC-Reserves

The people and the friends that we have lost, or the dreams that have faded...never forget them.
-Yuna

 

#291: Mga Saloobin sa mga nakaraang araw..

Nung nagtapos ako sa PhilSCA ng Assoc. Degree inisip ko na gusto ko pang magaral hindi dahil sa baon, pero para sa matutunan ko pa. Nagshift na nga pala ako ng course sa BS Aeronautical Engineering. 10 units pa lang nakuha ko ngayong sem pero may possibility na dagdagan ko pa ng isang subject pagdating ng pasukan. Bagong Nameplate, bagong nakalagay na course sa ID, bagong shoulderloop at bagong set na naman ng mga kaibigan. 

So nagpapasalamat pa rin ako sa mga naging kaklase, kaibigan, tropa, nakasama sa kung saan saan. Nanjan pa rin naman ako sa school eh kaso ibang course nga lang. Kaso parang mauudlot pa mga plano dahil baka pumunta na kami ng NZ eh. Kung dun man ako magaaral ay short term course lang siguro pero iniisip ko na tapusin ko sa Pinas ang course ko then masteral na lang sa NZ.

Hays sana wag naman maudlot sige baka magrebelde ako haha JK !!

#290: Ang Pagtatapos sa Kolehiyo (Part 1)

Noong nakaraang dalawang taon, nagtapos ako ng sekundarya sa Mataas na paaralan ng agham at teknolohia. Pagiging Dalubhasa sa larangan ng Eronotika ang gusto kong pasukan noon bata pa ako, ang naging dahilan kung bakit ako pumasok sa Kolehiyong Pambansa ng Eronotika. Sa nasabing paaralan, naranasan ko ang kasiyahan sa mga bago kong mga nakasalamuha at naging mga kaibigan at kalungkutan sa mga nakaaway ko. Inisip ko nung una na mahihirapan ako dahil sa wala man lamang isang asignatura ang napagaralan noong nasa sekundarya ako ngunit dahil din sa tagapagturo na ginawang madali ang pagunawa sa mga nasabing mga asignatura. Salamat sa lahat ng mga naging kaklase ko sa dalawang taon na to. Salamat din ng madami sa mga tagapagturo sa amin sa pagpapadali ng mga asignatura sa amin. Salamat sa mga naging kaibigan ko sa 2 taon na ito. Salamat sa mga Magulang ko na walang sawang sumoporta sa akin mula umpisa hanggang ngayon na magtatapos na ako ng aking Unang dalawang taon sa Kolehiyo. At Higit sa lahat, Salamat sa Diyos kung hindi dahil sa Kanya, wala siguro ako sa PhilSCA Ngayon. 

Sa mga susunod na pangkat ng AAMT ay magsipag sipag na kayo kasi talagang mahirap ang pinagdaanan namin ngayon dalawang semestro ng pangalawang taon namin sa sintang paaralan ko.

Muli Salamat sa Lahat

-Dylan Luther A. Malvar, Associate in Aircraft Maintenance Technology Batch 2012-2013

#289: Graduating Student At Last :))

Feb 7 2013 Marks the day that I have been added to the official list of graduating students as I have filed already my application for graduation. Hindi ko pa iaupload ang pic ng xerox ng Application for Graduation ksi baka masabon ako ng sobra sa tanong. Ewan ko ba siguro dahil kay Lord kung bakit ako nakapagpasa na ng application. Kaya thank you Lord for hearing my prayer na “Sana mkagraduate na po ako :)” Divine Intervention ika nga. Ipagpapray ko din na sana yung mga kabatch ko na Assoc in AMT na sila din makagraduate na din/ makapagfile na sila ng application for graduation. Sige Next Stop for me: March 19 2013 and March 21 2013.

#288: 18 na ako

Sige, Una sa lahat syempre nagpapasalamat ako kay God for the past 17 years He was with me. In my ups and downs, He is there by my side always. In times of doubt, I call His name and be with me and the doubt inside me is no more.

Wish ko sa 18th Birthday ko syempre good health long life at matuloy na sana ang mga plano ko sa schooling ko kaya sana makagraduate na ako :)

Syempre nagpapasalamat ako sa mga taong naging part (its either brief lang or long lasting) ng buhay ko for the past 17 years

At oo nga pala may criminal liability na ako kaya kelangan ko kontrolin ko na ang temper ko from now on….

P.S.: Kilala nyo kung sino kayo madami kase eh 

#287: #9

Ang number 9 ay ayon sa mga Chinese, Jackpot of all Celestial Forces. Oo nga may mga bagay na may number 9: sa cellphone, sa mga street, sa number ng apartment, etc. Pag sa Sport na Football, pag number 9 ang number ng Jersey Mo Tyak puro ikaw lang ang marked man kasi ikaw ung tinatawag na “Target Man”. Anyways nung last January 17, Thursday, May Volleyball Game sa School. Akala ko late na ako sa unang subject ko pero ayun andami tao sa Court. Yun pala may Volleyball Game at its between RTU and PUP. Syempre SCUAA Rivals yun at madaming nagsasabi na RTU mananalo. Syempre ako nanuod na lang din total nanunuod din ang mga prof namin. Usisero lang naman ako until such time sa likod ko may mga chants na “AQUINO”. Akala ko nagrarally na para sa eleksyon, yun pala yung player ng RTU na number 9. Hindi na ako magaano pa sa details no.. Flashforward na lang tau, after ng game nagutom ako syempre punta ng kantin, kain kain, tpos punta ng CR. Nung sa tapat na ako ng Cafeteria (Yung Pinasosyal na Kantin Sa Amin) Dumaan ang team ng RTU and then dumaan nga yung number 9. Ang daming nahabol sa kanya pero ako ilang inches lang ang agwat namin nung magkasalubong kami. Syempre konting kilig tpos pagdaan nya tumindi pa yung kilig ahaha. Share ko lang feelings ko nun :”>

#286: 1 Hour Left

Isang oras na lang ang nalalabi at magbabagong taon na pero madami akong katanungan ukol dito:

  • Nung 2012, Nagawa mo ba yung New Year’s Resolution mo?
  • Nung 2012, Pumayat ka ba?
  • Nung 2012, Pumogi o nagimprove ba ang iyong appearance?
  • Nung 2012, May GF/BF ka na?
  • At Madami pang iba

Madami ang nasasabi tungkol sa 2013: Ito ay isa sa mga taon na may iba’t ibang numero, Ito ay Year of the Water Snake, Dito daw magaganap ung eleksyon at madami pang iba

Sa susunod na taon, sana maging mabuti ka sa akin katulad ng ginawa sa akin ni 2012 na ginawa niyang Okay ang buhay ko at sana madami ka pang magagawa sa akin. 

Salamat po sa Pamilya ko, Mga Frends/Tropa/Co-workers/Kay Bossing sa OJT, sa pagsama sa akin sa taong 2012. 

Salamat kay December 21, 2012, Ngayon may material na Jokes na akong mabubuo dahil sayo at sa taong nagformulate na May 21 ang end ng mundo na nagpatibay sa aking pananalig kay Lord. Sana may mga taong joker pa pagdating ng 2013.

At Syempre Salamat kay Lord God na nanjan sa oras ng kasiyahan, kagipitan, at pighati na gumabay sa akin sa taong 2012 at sana po Lord Gabayan nyo pa po ako sa 2013, kung saan ako ay magtatapos at magsisimula

Thank You Ulit, God Bless and Have a Pleasant New Year to Everyone Here in Tumblr :)

worldofaquarius:

What do you want to become? #teamaquarius (credit to ZodiacSociety)

wooo aviator and aerospace

worldofaquarius:

What do you want to become? #teamaquarius (credit to ZodiacSociety)

wooo aviator and aerospace

#284: Coincidence or Destiny

Ngayon na 6:46 na ng gabi ng Disyembre a-28, ika-2012, Chineck ko lang yung tumblr ko read some posts by others then came isang post na nagpagulat sa akin. Sa tumblr ng World of Aquarius may nagtanong ng ganito:

Hi I am born on January 26 (Birthday ng Bida HAHA :)] 1988. Can you tell me what suitable career directions I should be looking into? 

Then ito yung answer ng World of Aquarius:

AVIATION (WOAH! Srsly), MUSICIAN (AHH Kaya pala :)], PSYCHOLOGY (Mejo Rational kase ako eh), Law (Kung di ko kayanin edi PolSci to Law Ako :)], Artist (Ok lang), Author (So kaya pala sulat ng sulat :)

Nagulat talaga ako as in akala ko kelangan ko magaviation kase maiba naman sa iba ang AVIATION siguro yung destined talaga sa akin at binigay sa akin ni LORD :)

Ilang months na lang nman to para makuha yung diploma (basta makumpleto ko na yung grades sa evaluation) :) Kaya ko pa to AJA!! 

#283: Christmas Time

7:45 na nga pala at naghahanda na ang lahat upang salubungin ang pinakapaboritong okasyon ng taon, CHRISTMAS. Madami na pala akong mga karanasan sa mga nakaraan kong mga CHRISTMAS. Ang CHRISTMAS ko its either Punta ng Marikina with my Cousins, Punta ng Pasyalan sa mismong araw pero ang pinakamasarap na Pasko ay yung KASAMA MO YUNG FAMILY MO AT NASA BAHAY KAYO. Anyways, madami na din pala akong inaanak at my young age of 17 with reasons na mabait daw ako and paminsan proxy ng tatay ko. This Christmas will be different because malaki na kami ni Sean, natural na wala na kaming regalong matanggap kase nabibigay na ang mga ‘to in advance. Okay lang sa akin ang give ng love at siguro mas madami pang nangangailangan ngayon na madami ang nasalanta ng bagyo at may papasok pa na bagyo. This Christmas like the 2007 na sa bahay lang then handaan at may kasama pa kaming aso at yung lola namin sa father side ay nagstay dito so experimental ulit. :)

BlogPost #282: Christmas Break

There are a lot of students who are already in their CHRISTMAS BREAK and maybe some of them maybe they’re not. Well Just Sacrifice because in just a few days you will be able to reach the start of your CHRISTMAS BREAK. 

There are a lot of activities you can do in this Christmas Break:

1. Celebrate Christmas and New Year

2. Bonding time with friends, family etc.

3. Go to the Park with somebody

4. Go to the Province to feel ambiance and what they’re doing when Christmas Comes

5. Go to a tourist Destination with the family

6. Attend the Misa de Gallo 

7. Watch Movies with family, friends etc.

8. Go to the Mall

9. Play Computer Games, Street Games, and Other kinds of Games outside

and most Importantly

10. Celebrate this break with God 

Other things to do is to DO YOUR HOMEWORK IF ANY :)

Misa de Gallo is one of the festivities that made Philippines Unique. It is said that if you finished and completed it, your wish will come true.

Here are some tips on how to do in a Misa de Gallo:

1. Be attentive and alert :)

2. Choose your dress wisely. There are a lot of guys/girls who will find you being a disrespectful/disgusting figure.

3. Be able to bring umbrella and fan. In case of rain you need an umbrella and even though there are ventilation in the church it is not sufficient to ventilate the whole area so you need the fan.

4. Be on time or maybe go there early. This Misa de Gallo attracts a lot of people and maybe it will be a full house.

This is Most Important when attending;

5. Respect the Place. There are a lot of news I have heard that the church is becoming like a park teeming with dating people, texting, finding girls and finding handsome men so my advice put your emotions aside and put your personal ethics.

DISCLAIMER: It is not for Roman Catholics or any religion. It is for everyone who will be going in this Misa de Gallo Okay :)

So that’s about my perception about Christmas Break

So Enjoy it while it lasts :)

by: Dylan :)